Sampung Tips para sa Pagsulat ng Kwento at Nobela.
Sampung Tips para sa Pagsulat ng Kwento at Nobela.
Ang pagsulat ay katulad ng pagpipinta dahil nangangailangan ito ng tiyaga, sipag at pagkakaroon ng malawak na imahinasyon. Kung ikaw ay isang baguhan sa larangang ito at wala talagang ideya kung paano magsisimula, nasa tamang blog ka! Nakapaloob dito ang mga tips na makakatulong sa iyo.
Tip #1: Mag-isip ng Plot.
Ito ang hiyas ng nobela, nakasalalay dito ang takbo ng buong nobela. Mas kakaiba, mas maganda!
Tip #2: Isipin ang mga bagay na gusto mong ilahad, maging ang iyong mga inspirasyon. Makakatulong ito sa pagbuo ng plot.
Tip #3: Kung ang plot na naisip ay medyo pangkaraniwan, lagyan ito ng twist o 'di kaya'y maging malikhain sa pagpapahayag ng bawat eksena.
Tip #4: Mag-isip ng magandang panimula.
Mahirap sumulat ng panimula kaya't ang panunuod ng mga music videos, pakikinig ng kanta at panunuod ng mga pelikula na konektado sa plot na iyong ginawa ay lubos na makakatulong.
Tip #5: Hangga't maaari, iwasan ang pagkakaroon ng clichè na eksena sa iyong nobela.
Tip #6: Magbasa lamang ng magbasa.
Tip #7: Magsulat lang ng magsulat.
Tip #8: Kapag wala sa huwisyo magsulat, ipahinga ang sarili. Huwag pilitin ang sarili upang hindi magmukhang pilit ang sinulat.
Tip #9: Ipahayag ang iyong damdamn sa sinusulat.
Tip #10: Ibuhos ang buong puso sa pagsusulat.
Sana ay nakatulong ang sampung simpleng mga tips na ito sa iyo. Laging tatandaan na walang mahirap sa taong pursigido at may puso sa ginagawa.


Mga Komento
Mag-post ng isang Komento